Pinipilit kong huwag munang bumangon. Natatakot kasi ako na baka walang bumati sa akin ng hapi bertdey. Pinilit ko na lang ang aking sariling makatulog muli at sana’y magising na lamang kinabukasan. Pero, napangiti na lamang ako nang nagsunud-sunod na ang pag-busina ng aking cellphone na meron akong mga teks message. Huwaw! Puros greeting ng aking mga friendship noong hayskul at ngayong kolehiyo. Nakakapangiti naman. Dahil doon, nag-alis na ako ng aking mga muta sa mata at bumangon na para ifeel ng bonggang bongga ang araw ko ika nga.
Sinimulan ko ang aking araw sa paghihilamos. At habang kinikiskis ko ang aking magaspang na mukha gamit ang ponds clear solutions, nagulat na lamang ako na isang korong di gaanong kagandahan ang boses ang nagsabay-sabay na nagkantahan ng hapi bertdey. Ihhhhh.. bigla akong nahiya. Sina mame’t mga ate ko ibinabalik ata ako sa pagka- bata. Ihhhhh.. ayoko non! Pero, on the other side, nakakakilig siyempre. How sweet.
*naranasan mo na ba ang ganitong eksena? Ano ang iyong naramdaman? Bakit mo kaya nafeel ang ganoong feeling? Palagay mo? Napagisip-isip ko lang na, hellllooooOO??? Bertdey ko kaya.. dapat masaya ako. Dapat powerful ang day kaya karapat dapat lang akong kantahan ng ganoong 2/4 time rhythm ng happy birthday with so much energy. Kelangan nating magsaya at magpasalamat na binigyan na naman tayo ng another year of living. Kaya, nagsisi ako na sinimulan ko ang aking araw ng paghihilamos… dapat pala nagdasal muna ako.
“oh bro… maraming salamat sa 17 years of blessing me with your so much grace! Napaka-amazing mo at powerful! Haha! Look at me bro..(to be continued)
Sobra ang naingiti ko nang makantahan nila ako. Pero, parang napawi na lang ito ng paglabas ko ng banyo, sina ate, at ang mame ay paalis palang lahat. May research, mga duty at opis. Tsk tsk tsk. Ang celebrant mag-isa na lang. pero, di ako nagpatalo sa aking emosyon. Pilit kong inaliw ang aking sarili. Inalagaan ko na lang ang aking 2 years old na pinsan. Nanuod na naman kame ng barney habang siya’y dumedede at ako naman, kumakain ng kanin at ang ulam ay giniling, breakfast ko yon, ang celebrant. Ayon, continues parin ang pagbeep ng aking cp. Text ng kdancers ko, friends,……pero bat ganun. May hinihintay akong taong babati saken pero, kahit good morning man lang wala. ANO NA BA AKO SA KANYA NGAYON?? Sina regine, aira, danica, lovely, chevenne, at khalil nabati na ako.. SIYA, HINDI PA!! kahit koment man lang sa prenster wala. Tsk. INCOMPLETE!! Ngiti lang.. ngiti!!
*guys, lets define INCOMPLETE. “not complete”. Kahit alam kong katabi ko si GOD para makumpleto ang araw ko, bakit hindi pa rin. There IS still “WHERE IS SHE?” that continues invading my head. Tulungan nyo ako mga friends. How can I get rid of thinking of this person whom I love so deeply but I don’t know if she STILL feels the same way. TULONG… Ganito nga ba talaga ang love para sa mga taong devastated, PAIN? SORROW? LIE? Please……..don’t answer me YES.
Hindi pa natatapos ang pangalawang volume ng barney, medyo nananakit na ulo ko. Antok na ako. Tinawag ko muna si ate Chi Para humalili sa akin. Habang nakahiga na ako sa kama mga bandang tanghali, narinig ko sa aking lola na parating na si pepeng. Sabi nya doble raw nito si Ondoy. Napawi ang aking antok dulot ng takot at kaba, honestly speaking. Naaawa na ako sa mga kapwa ko Pinoy. Hindi pa nga gaanong nakakabangon mula sa pagsalanta ni ondoy, ay bigla namang eeksena ng karumaldumalan etong si pepeng. At talagang umis-schedule pa siya ng pag-landing dito sa pinas ngayong parturition day ko. Ang kapal ng mukha mo pepeng, mukha kang pepe. (no offense meant!).
* I just realized again, wala na nga bang pag-asa pang mapuno ng ligaya ang kaarawan ko ngayon?? Pakiramdam ko’ymapupuno yata ng luha ang oktubre dalawa dulot ng ilang sanhi: PEPENG at TUKO. Pero, magdarasal ako na hanggat hindi pa natatapos ang araw na ito, ang bertdey ko, ay huwag naman. Sanay lahat ng pinoy sa araw na ito’y (including me here) magkaroon ng HOPE at Ng HAPPINES!! How about you, anong wish mo for October 2, 2009??
6:30pm pa lamang ngayon, mga readers, habang sinusulat ko itong linyang ito. Gusto kong icelebrate ng amazingly ang bertdey ko. Pero pano? Hindi pa dumarating ang mame ko from manila, Ang mga ate kong nurse na nasa mga duty pa at si ineng may cotillion pa sa school. Haaaaaayy… sana naman makatikim man lang ako ng something special ngayon na magco-color ng araw ko….IM WAITING………..
*huwooowww…. ambilis nang sagot saken. Friends!! napaka-buti talga ni Lord! habang nagsusulat ako ngayon, as in right now, biglang nagdatingan mga kapatid ko kasama si mader.. nakakatuwa at nakakaligaya.. sobrang nalulunod ako ngayon, nagyon, ngayon!!! —ng kasiyahan.. andameng foods! may flowers. (special tooooOO!!) tsk tsk.. OKAY. the best talaga ang God’s love.. see, friends??
*17 na pala ako. Naalala ko. Huwag nyo akong iiwan friends……………………………. Buuggssshhhh!!!! THE END muna sa ngayon!
PS: matutuwa ako kung ang mga hinihingi kong mga kasagutan sa taas ay maibibigay mo… salamat.. WAHAHAHAHAHA!!!!
PS ulit: natatawa ako. kasi sinimulan ko tong blog na ito na malungkot. pero ngayon, sobrang naluluha na ako sa sobrang saya! weeee!!
___TOTOY